Kidapawan City – (January 16, 2025) Nasita ng City Government ang apat na mga lumabag sa City Ordinance Number 18-1211 o ang pagbabawal manigarilyo o pagvape sa pampublikong lugar sa lungsod nong December 28-29, 2024. Nakapagtala naman ng tatlumpu’t isa (31) na violators sa parehong ordinansa sa petsang January 11-14, 2025.
May isa namang lumabag sa City Ordinance No. 151061 Article A – Buying and Selling of Liquors and Cigarettes noong December 29, 2024.
Ang mga nasabing bilang na mga violators ay nakapaloob sa inilabas ng Kidapawan Anti-Vice Regulation and Enforcement o KIDCARE na Apprehension Report.
Nasa mahigit-kumulang P1500-P5000 ang multa ng mga nahuling lumabag sa ordinansa.
Nagsisilbing gabay ang mga ordinansang ito upang mapanatili ang balanseng pag-unlad at kapakanan ng bawat isa.##Djallyca Ganancial/CIO
More Stories
SEGURIDAD SA PAGKAIN, NAGING PANGUNAHING PRAYORIDAD NG CITY GOVERNMENT SA 2024
KIDCARE UNIT PATULOY SA PANGHUHULI NG MGA LUMALABAG SA ANTI-SMOKING CITY ORDINANCE