June 8, 2025

Team Pogi

People of Good Intensions

PAGSASAAYOS NG MGA PUROK STRUCTURE SA MGA BARANGAY NG LUNGSOD NAGPAPATULOY

KIDAPAWAN CITY – (January 15, 2025) LABIS NA IKINATUWA at ipinagpapasalamat ng mga residente at opisyal ng Purok 7 ng Barangay San Roque ang ginawang pagpapaayos ng City LGU sa kanilang purok structure.
Ayon sa mga residente, malaking tulong at ginhawa ito upang maging kumportable sila sa tuwing sila’y may
pagtitipon at asembleya.
Ang Open Space Assistance Fund o OSAF ay isa lamang sa mga pangunahing proyekto ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kung saan ay may limampung libong piso(P50,000) ang bawat purok upang maipaayos at mapaganda ang kanilang purok structure sa mga barangay.
Masayang tinanggap ni Purok 7 President Imelda Salera, District Kagawad Dennis Calvo at San Roque Punong Barangay Simplicia Calvo ang nasabing proyekto.##(Lloyd Kenzo Oasay/CIO