June 9, 2025

Team Pogi

People of Good Intensions

P600 ALLOWANCES NG MGA ATLETA SA KIDAPAWAN CITY MEET, NAIPAMAHAGI NA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (January 7, 2025) Bakas sa mukha ng mga atletang lalaban sa darating na Kidapawan City Meet ang saya matapos nilang matanggap ang P600.00 allowance na nauna ng naipangako ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Kahapon January 6, ng sinimulang ipamahagi ito sa nasa 2,276 na mga manlalaro sa Elementary at Secondary level mula sa anim na distrito ng Lungsod.
Bukas, January 8 magsisimula na ang taonang Sports Event na isinasagawa sa pangunguna na rin ng Department of Education-Kidapawan City Division.
Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral sa Programa dahil malaking tulong na rin ito upang may sapat na magagamit at panggastos sila habang nagpapatuloy ang kanilang paglalaro.##Ryzyl M. Villote/CIO