March 8, 2025

Team Pogi

People of Good Intensions

“MAGLARO AT LUMABAN NG PATAS” MENSAHE NI MAYOR PAO SA MGA ATLETA SA PAGBUBUKAS NG CITY MEET

Kidapawan City- (January 8, 2025) “Play Fair” ito ang naging mensahe ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista para sa lahat ng atletang maglalaro sa Kidapawan City Meet 2025 na pormal ng nagsimula ngayong araw, January 8.
Pinaalalahanan ng Alkalde ang lahat ng mga nasa programa lalo na ang mga mag-aaral, sa kahalagahan ng paglalaro at paglaban ng patas sa kanilang napiling Sports.
Dagdag pa niya na sa simpleng pakikipaglaro ng patas sa kompetisyon magsisimula ang kanilang pondasyon para mag-tagumpay at manalo sa lahat ng aspeto sa buhay sa tamang paraan.
Personal ring nakihalubilo si Mayor Pao sa lahat ng mga mag-aaral, technical team gayundin sa mga DepEd-Kidapawan City Division Officials tulad ni Schools Division Superintendent Miguel Fillalan at Asst. Schools Division Superintendent Jasmin Isla.
Isa lamang ang City Meet sa mga aktibidad na binibigyan ng pagpapahalaga at importansya ng Lokal na Pamahalaan dahil sa positibong epekto nito sa mga kabataan.##Ryzyl M. Villote/CIO