KIDAPAWAN CITY – (January 21, 2025) MISMONG SI City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang humihikayat sa lahat ng Kidapawenyo edad 20 years old pataas na samantalahin ang libreng flu vaccine sa City Health Office.
Mula ngayon hanggang araw ng Biyernes January 24 ang vaccination, wika pa ng alkalde.
Makakatulong ito na maprotektahan ang lahat laban sa trangkaso at kahalintulad na karamdaman na malimit lumalabas kapag malamig ang panahon.
Sa mga senior citizens naman, bukod pa sa flu vaccine,ay mayroon ding pneumococcal vaccine para sa dagdag proteksyon.
Mangyaring bumisita lamang sa City Health Office para sa medical assessment at dalhin ang inyong valid ID.##(Lloyd Kenzo Oasay/CIO)
More Stories
๐ญ๐๐ฅ๐ข ๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ ๐ ๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ก๐๐๐ง๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ก๐๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ข๐ข๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
Goiter Awareness Week!
Teenage Pregnancy Awareness