March 9, 2025

Team Pogi

People of Good Intensions

KIDCARE UNIT PATULOY SA PANGHUHULI NG MGA LUMALABAG SA ANTI-SMOKING CITY ORDINANCE

KIDAPAWAN CITY (July 5, 2024) – TATLUMPU’T DALAWANG mga sumuway sa City Ordinance Number 18-1211 o Anti SMoking and Vaping Ordinance ng lungsod ang sinita at pinagmulta ng Kidapawan Anti-Vice Regulation and Enforcement – KIDCARE Unit ng City Government.
Nakapaloob ang nasabing bilang ng violators sa kanilang inilabas na Apprehension Report na may petsang June 16-24 ng taong kasalukuyan.
Naaktohang naninigarilyo at nagbe-vape ang mga nahuling violators sa iba’t-ibang mga pampublikong lugar sa lungsod ng Kidapawan.
Mula P1,500 – P3,000 ang babayarang multa ng mga nahuling violators, ayon pa sa probisyon ng ordinansa.
Samantala, may isang bar sa brgy. Magsaysay ang sinita at pinagmulta naman dahil sa pagsuway nito sa ordinansang nagbabawal na magbenta ng sigarilyo o magpapasok ng mga menor de edad sa kanilang mga establisyemento (City ordinance number 15-1061). ###(Lloyd Kenzo Oasay | City Information Office)