Kidapawan City- (January 13, 2025) Sasabak sa kauna-unahang pagkakataon ang nasa Apat na raang mga kabataang Kidapaweños sa Sinulog 2025 Street Dancing Competition na gaganapin sa Cebu City ngayong Linggo, January 19.
Sa pamamagitan ng isang misa, na pinamumunuan ni Rev. Fr. Alfredo Palomar, Jr., DCK ipinaabot ang mga dasal at panalangin, bago pa man tumulak ang mga partisipante mamaya patungo sa nasabing lugar. Binasbasan din ng Pari ang mga kagamitan ng mga partisipante na gagamitin sa aktibidad.
Ayon kay Mayor Pao, ang ganitong aktibidad ay makasaysayan. Ang paglahok ng lungsod sa nasabing kompetisyon ay paraan upang maipakita sa mundo ang galing ng Kidapaweño, maipag-malaki at maiparinig sa sambayanan ang pangalang “LUNTIAN KIDAPAWAN”.
Buong suporta naman ang ipinakita ni Vice Mayor Melvin Lamata Jr. at mga City Officials, na umaasang maiuuwi nito ang kampeonato.##Ryzyl M. Villote/CIO
More Stories
MGA STALLS SA SUROYAN, NABIGYAN NG MGA PARANGAL
Key Political Leaders Convene at Mayor Pau Evangelista’s Headquarters for 2025 Election Preparations
Councilor Pipoy Dizon, Team POGI, and Pareng Gob Manny Piñol Meet at Mayor Pau Evangelista’s Headquarters Ahead of 2025 Elections