June 9, 2025

Team Pogi

People of Good Intensions

ATLETA NG ADAMSON UNIVERSITY NA TUBONG KIDAPAWAN, NILAGPASAN ANG UAAP RECORD SA WALK RACE

KIDAPAWAN CITY (January 7, 2025) – Kasabay ng Convocation Program ng City Government of Kidapawan ay pinarangalan si Saud D. Abdul, para sa kanyang natatanging pagtatanghal sa Walkathon, at mag-uwi ng Gintong Medalya sa 3k Race Walk UAAP Record, Pilak na Medalya sa 5k Race Walk na Surpassed Record, at Pilak na Medalya sa Team Event sa ginanap na UAAP SEASON 87 Juniors Athletics noong November 17, 2024 sa New Clark City Athletics Stadium.
Si Saud ay produkto ng Kidapawan City National High School – Special Program in Sports, naging aktibong lider at miyembro ng KCNHS Athletics Club at Kidapawan City Track and Field Club – mga bagay nagbigay sa kanya ng matibay na pundasyon sa larangan ng sports at nagresulta sa kahanga-hangang performance sa local at regional level, na nakatawag ng pansin sa mas malawak na athletics community.
Personal na iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nasabing parangal sa batang atleta kasama sina City Councilors Carlo Agamon, Jayson Roy Sibug, at Francis Pamones, Jr.
Inaasahan naman ng Alkalde na ang karangalang nakamit ni Saud mula sa pambansang entablado ay magsilbing inspirasyon sa mga susunod na batang atleta mula Kidapawan.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)