KIDAPAWAN CITY – (January 17, 2025) ZERO (0) ANG BILANG NG NAITALANG mga namatay na ina habang nanganganak sa lungsod nitong nakalipas na 2024.
Base ito sa 2024 Accomplishment report ng City Health Office o CHO sa ilalim ng Maternal, Child Health and Nutrition (MHCHN) Program na ipinatutupad nito.
Ito ay priority program ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na naglalayong gawing ligtas ang panganganak ng mga inang buntis at maisulong ang wastong kalusugan ng kanilang mga anak.
Ilan lamang sa mga hakbang ng MHCHN Program na nagresulta ng zero mortality rate sa mga inang nanganganak ay ang mga sumusunod: Regular na Pre- natal check consultation sa 40 barangay ng lungsod, Facility Based Deliveries, Buntis Caravan kung saan ibinibigay ang impormasyon sa tamang nutrisyon at ligtas na pagbubuntis, Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS na may libreng konsultasyon para sa mga pregnant women, libreng pamimigay ng Ferrous Sulphate at Calcium supplements, libreng ultrasound, at kahalagahan ng breastfeeding.
Sa kabuuan ay nagtala ng 2,020 bilang ng live births sa lungsod noong 2024, at 98.76% ang nanganak sa mga health facility.##(Lloyd Kenzo Oasay/CIO)
More Stories
LIBRENG FLU VACCINES IBINIBIGAY NG CITY HEALTH OFFICE
Goiter Awareness Week!
Teenage Pregnancy Awareness